TAMPA (AFP) – Natuklasan sa China ang pinakaunang natukoy na mga bakas ng hayop sa Earth, halos 541 milyong taon na ang nakalipas, ayon sa isang pag-aaral nitong Miyerkules.

Hindi pa malinaw kung anong uri ng maliit na hayop ang nakaiwan ng mga bakas, na mukhang dalawang hilera ng mabababaw na yapak o butas na nakamarka sa dark gray limestone.

‘’This is considered the earliest animal fossil footprint record,’’ saad sa ulat sa US journal na Science Advances.

Nakita ang trackways sa Yangtze Gorges area ng South China, at nagmula sa Ediacaran Period, may 541 milyon hanggang 635 milyong taon na ang nakalipas.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

‘’Previously identified footprints are between 540 and 530 million years old. The new fossils are probably up to 10 million years older,’’ sinabi ng may-akda ng pag-aaral na si Zhe Chen, researcher sa Chinese Academy of Sciences, sa email sa AFP.