SIMULA na ang pagpapatala ng lahok para sa Manila Bay Clean-Up Run sa Hulyo 15, ayon sa organizing Manila Broadcasting Company (MBC).
Ang patakbo ay bukas para sa lahat ng running aficionados at sports buff at naghihintay ang mga dibisyon na 3k, 5k, 10k, at 21K na mapagpipilian na lahukan ng mga lalaki at babae. May naghihintay na cash prize at medalya s amga mangungunang runners sa bawat dibisyon.
Tumatanggap na ng lahok sa MBC lobby sa Sotto St., CCP Complex, pasay City . Bukas na rin ang pagpapatala sa Olympic World Village Robinson Forum, Gateway Mall, Festival Mall, at SM Taytay, gayundin sa Olympic Outlet sa Robinson’s Antipolo. Ang huling araw ng pagpapalista ay sa Hunyo 30, 2018.
Ang fun run ay isa lamang sa mga proyektong nakakapag-ambag ng pondong kailangan sa pagpapatupad ng programa sa paglilinis ng Manila Bay. Patuloy na tumutugon ang MBC at iba pang mga establisimiyento sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa panawagan ng Land Bank na maibsan ang basura at linisin hindi lamang ang karagatan bagkus maging mga ilog, estero, at iba pang maliliit na daluyan ng tubig sa karugtong nito.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Manila Bay Clean Up Run, maaring makipag-ugnayan sa Runners Link sa telepono bilang 0926-205-2787.