“NO Reg, it’s not true! Hayden doesn’t want!”

103

Ito ang bungad sa amin ni Doctora Vicki Belo nang tanungin namin kahapon tungkol sa balitang kakandidatong congressman ang asawa niyang si Dr. Hayden Kho sa bayan ng Marinduque para palitan ang incumbent representative na si Lord Allan Jay Velasco.

Nakilala namin si Doc Hayden noong kainitan niya sa showbiz at wala naman siyang nabanggit noon na papasukin niya ang pulitika, dahil at that time ay mas nag-e-enjoy siya bilang doktor at sa pag-aartista.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

At ngayon na mag-asawa na sina Doc Hayden at Dra. Vicki ay magkatuwang nilang inaasikaso ang negosyo nilang Belo Medical Group, at obvious namang enjoy si Hayden bilang ama ng sikat nilang anak na si Scarlet Snow.

Sabi pa ni Dra. Vicky sa amin, “I also don’t want. Our life is quiet and politics is magulo.”

Kaya maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi papasukin ni Doc Hayden ang pulitika, kahit na maraming mag-engganyo sa kanya.

-Reggee Bonoan