Dalawang panukala ang binubuno ngayon ng House committee on public order and safety at House committee on national defense and security upang palakasin ang mga batas laban sa terorismo.

Sa pinag-isang pagdinig nitong Martes, bumuo ang dalawang komite ng technical working group (TWG) na magsasaayos sa mga anti-terror bill, ang House Bill No. 7141 at HB No. 5507.

Sa pagdinig, pinagtibay ng dalawang komite ang paglikha ng TWG, na pamumunuan ni Rep. Rozzano Rufino Biazon.

Layunin ng HB 7141 na amyendahan ang RA No. 9372, o ang Human Security Act of 2007, habang layunin naman ng HB 5507 na ideklarang ilegal ang pagiging miyembro sa alinmang Philippine court-proscribed o United Nations Security Council-designated terrorist organizations.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Ang dalawang panukala ay inakda ni Pangasinan Rep. Amado Espino, Jr., chairman ng House committee on national defense and security.

-Bert de Guzman