ASUNCION (AFP) – Magkakaroon ng babaeng pangulo ang Paraguay sa unang pagkakataon sa kasaysayan nito, pansamantala lamang, matapos bumababa sa puwesto si outgoing leader Horacio Cartes nitong Lunes bago ang itinakda.
Kukumpletuhin ni Vice President Alicia Pucheta, 68, ang mandato ni Cartes matapos itong magbitiw para maging senator.
Sa Agosto 15, sisimulan ng kapwa conservative na si Mario Abdo Benitez, nahalal sa eleksiyon noong Abril 22, ang kanyang limang taong termino bilang pangulo ng isa sa pinakaramalitang bansa sa Latin America.
Kukumpirmahin ng parliament ang pagbibitiw ni Cartes at ipoproklama si Pucheta bilang interim president sa Miyerkules.