Makakabili na muli ng murang bigas mula sa National Food Authority (NFA) sa mga palengke sa unang linggo ng Hunyo.

Ayon kay NFA Spokesperson Rex Estoperez, ang mga imported NFA rice na binili ng gobyerno ay ide-deliver sa mga tindahan simula sa Hunyo 5, 2018.

Mabibili ito sa mga palengke sa presyong P27.00 hanggang P32.00 bawat kilo.

Sinabi ni Estoperez na inaasahan ng NFA na sa katapusan ng Mayo darating sa bansa ang mga inangkat na bigas.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Target muna ng NFA na pupunuin ng stock ang mga palengke lalo na sa NFA outlets at saka aayusin ang buffer stock.

Noong Enero, naubos ang stocks ng NFA rice.

-Beth Camia