Sa pagsisimula pambansang kampanya para isulong ang federalismo sa susunod na buwan, target ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na puspusang liligawan ang kabataan para sa paglilipat sa federal form ng gobyerno.

Sinabi ni DILG Assistant Secretary at spokesperson Jonathan E. Malaya na partikular na pagtutunan ng kampanya ang kabataan, lalo na ang millennials, dahil sa pagiging bukas ng mga ito sa pagbabago.

“The end goal of the first wave of our campaign is to pique the interest of the younger generations and involve them in the process of nation-building,” sinabi ni Malaya, pinuno rin ng DILG Center for Federalism and Constitutional Reform (CFCR).

Sisimulan ng DILG at ng Consultative Commission to Review the 1987 Constitution ang Federalism Road show sa Hunyo 18, sa Dumaguete City.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Binabalak nilang magdaos ng mga konsultasyon at diyalogo sa lahat ng rehiyon sa mga susunod na buwan.

Ayon kay Malaya, ang millennials at ang mas batang henerasyon ay mahalagang demographic groups sa kampanya dahil sa kanilang flexibility at pagiging bukas sa mga repormang kailangan para sa kaunlaran. Sila rin ang pinakamalaking bahaging populasyon.

“If we succeed in educating the youth about the benefits of federalism, we would have won half the battle already because we will have instilled in them a sense of responsibility in support of the change the administration wants to be able to move this country forward,” aniya.

Bukod sa kabataan, susuyuin din ng kampanya ang mas matatandang henerasyon para makuha rin ang kanilang suporta.

Sa federalism road show, ipipresinta sa mga konsultasyon sa mga rehiyon ang initial draft ng mga panukalang pagbabago sa konstitusyon ng Consultative Committee (Con-com) at papakinggan ang komento ng publiko.

Umaasa ang Con-Com na matapos ang mga rekomendasyon nito bago ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulo Rodrigo Duterte sa Hunyo 23, 2018.

-CHITO CHAVEZ