Sinuspinde na ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang tatlong state prosecutors sa Pasay City kaugnay ng umano’y pagkakasangkot sa pagpupuslit ng mga alahas sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kabilang sa sinuspinde sa loob ng 60 araw ay sina Pasay City Prosecutor’s Office Officer-in- Charge Benjamin Lanto, Inquest Prosecutor Florencio Dela Cruz Jr., at Associate Prosecution Attorney Clementine Villanueva.

Ang hakbang ni Guevarra ay kasunod na rin ng pagsibak ng Malakanyang kay Justice Assistant Secretary Moslemen Macarambon Sr. kaugnay din ng nasabing usapin.

Kaugnay nito, nagpalabas na rin ng hiwalay na kautusan si Guevarra na may petsang Mayo 25 na nagtatalaga kay Deputy City Prosecutor Dolores Pulgo-Rillera bilang Officer-In-Charge ng Pasay City Prosecutor’s Office.

National

Lone bettor panalo ng ₱107.8M sa Lotto 6/42

Inimbestigahan ng DOJ-Internal Affairs Unit ang tatlong prosecutor bunsod na rin ng reklamong may petsang Mayo 21 at nakitaan ng “prima facie case” ang mga ito dahil sa “gross neglect of duty, gross incompetence at inefficiency”.

Matatandaang kinuwestiyon ang tatlong fiscal nang iutos nila ang pagpapalaya sa tatlong suspek na sina NAIA Customs Operations V Lomontod Macabando at mag-asawang Abraham at Bang-sa Mimbalawang, noong Mayo 6.

Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Macarambon dahil sa pakikialam nito sa sa kaso.

Natuklasan na ang mag-asawang Mimbalawang ay mga magulang ng biyenan nito (Macarambon).

“Following the inquest proceeding, the three suspects were released, despite the evidence at hand,” pagdidiin ni Guevarra.

Si Macabando ay inaresto ng mga tauhan ng NAIA by Customs personnel nang mahulihan ito ng isang bag ng iba’t ibang alahas na aabot sa P6 milyon, noong Mayo 5.

Nasabat naman ang mag-asawang Mimbalawang NAIA Terminal 3 nang dumating sila mula Dubai kung saan inamin nila na pag-aari nila ang bag.

-JEFFREY G. DAMICOG