Nagsasagawa ng road reblocking at repairs ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalsada sa Metro Manila simula 11:00 ng gabi nitong Biyernes, na tatagal hanggang sa Lunes, Mayo 28.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA),kinukumpuni ng DPWH ang southbound EDSA, mula sa Samson College hanggang bago mag-P. Tuazon Street (second lane); at EDSA Eugenio Lopez St. makalampas ng Scout Borromeo (third lane).

Bukod dito, inaayos din ang northbound EDSA, sa harapan ng Vertis North hanggang Trinoma Mall (2nd lane); Quirino Highway malapit sa Mater Carmeli School (inner lane); España papuntang Quiapo, sa harapan ng Ramon Magsaysay High School; A. Bonifacio Avenue, Quezon City, Mauban St. (inner lane); at ang ikatlong lane ng Congressional Avenue hanggang Mindanao Avenue.

-Bella Gamotea
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20