NAKATAGPO ng papalit sa kanilang dating import na si Vernon Macklin ang koponan ng Magnolia para sa ginaganap na PBA Commissioner’s Cup.

Matatandaang umalis si Macklin upang magtungo sa China para maglaro sa isang liga doon kung saan tatanggap sya ng sahod na tutugon sa pangangailangan ng kanyang pamilya.

Kinuha ng Hotshots upang pumalit sa kanya si Curtis Kelly.

May taas na 6-foot-10 base sa kanyang credentials ang 30-anyos na si Kelly, at dating naglaro para sa Connecticut at Kansas State sa kanyang college years ngunit bigong ma-draft noong 2011 NBA draft.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ayon kay Magnolia Governor Rene Pardo , nakatakdang dumating sa bansa si Kelly sa Lunes ng gabi.

Huli siyang naglaro sa liga sa Israel at inaasahang makakalaro para sa Hotshots sa susunod na Sabado, Hunyo 2, sa laban nila kontra Rain or Shine, sa Araneta Coliseum.

-Marivic Awitan