Binuhay muli ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang panawagan ng ibalik ang death penalty.

Sa isang pulong balitaan, iginiit ni VACC Vice Chairman at Spokesperson Boy Evangelista na ang death penalty ay mainam na tugon laban sa pagtaas ng krimen.

Sinabi naman ni VACC President Cory Quirino na nais nilang maipatupad ang death penalty laban sa mga nakagawa ng karumal-dumal na krimen gaya ng murder, rape at kidnapping.

-Beth Camia
Tsika at Intriga

Grace Tumbaga, 'unbothered' this 2026: 'Karma hits harder than revenge'