Hinikayat kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Camilo Cascolan ang publiko na kaagad i-report sa pulisya ang anumang insidente o krimen, sa pamamagitan ng text hotline na “Isumbong Mo Kay Picoy 0995-0018-886”.

Binanggit ng NCRPO chief ang kahalagahan ng mabilis na pag-uulat o pagsusumbong ng publiko upang mapigilan ang krimen at kaagad na marespondehan.

Tiniyak ni Cascolan ang mabilis na pagresponde sa reklamo na may kinalaman sa peace and order at policing.

“Should there be any concern, relevant information, complaints and need for police assistance, just reach us and we will be glad to serve you as soon as possible,” ani Cascolan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Cascolan na noong nakaraang linggo ay nabawi ni Maria Kristina Morioka ang nakarnap nitong kotse, sa tulong ng PICOY CASCOLAN Facebook account, at nagpaabot ng pasasalamat sa mabilis na pagresponde ng mga pulis. Mayo 16 nang nagpadala ng mensahe si Morioka sa Facebook account ni Cascolan at humingi ng tulong kaugnay ng pagkakatangay ng kanyang Hyundai Accent (MN-3085), na unang nirentahan ng isang Regie Camille Cometa nitong Abril 8 sa Calauan, Laguna, dakong 7:00 ng gabi.

Humirit umano ang suspek ng isa pang araw at muling pinalawig nang hindi nagbabayad ng renta.

Nangako umano si Cometa na ibabalik ang kotse ni Morioka sa magkakaibang petsa, ngunit hindi natupad at maging sa Facebook ay blinock ng una ang huli.

Agad nakipag-ugnayan ang NCRPO chief sa Highway Patrol Group Task Force at nabawi ang kotse ng biktima.

-BELLA GAMOTEA