TULOY ang road to forever nina Nikki Bella at John Cena.

John at Nikki copy

Pagkaraan ng isang simula nang ipahayag nila ang kanselasyon ng kanilang kasal, opisyal nang magkarelasyon ulit ang dalawa.

“They’re basically back together,” pahayag sa PEOPLE ng source na malapit sa kanilang dalawa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Inihayag ni Bella ang kanselasyon ng kanyang engagement kay Cena, 40, noong Abril – tatlong linggo bago sumapit ang araw ng kanilang kasal.

Unang sinabi ng source sa PEOPLE na ang desisyon ni Nikki sa paghihiwalay ay dahil sa magkaibang paniniwala sa pagpapakasal at pagkakaroon ng anak: Gusto niyang bumuo na ng pamilya, ngunit hindi sigurado tungkol dito si John Cena.

“This was never really about ending their relationship— it was about calling off a wedding because something didn’t feel right,” sabi ng source. “It was a wedding that was entered into under false pretenses. She was pretending she was okay with not having a kid, he was pretending he absolutely couldn’t and wouldn’t budge on that point.”

Nitong nakaraang Sabado, namataang magkasama sina Bella, 34, at Cena, 40, sa unang pagkakataon simula nang maghiwalay.

“They both got a wake-up call once they canceled the wedding, and they both realized they could fix what was broken,” paliwanag ng source.

Sa loob ng ilang linggong paghihiwalay, kapwa nagpahayag ang ang Total Bellas star at pro-wrestler na nais nilang magkabalikan. Una nang sinabi ni Bella sa PEOPLE na siya ay mayroon pa ring “communication” sa pro wrestler at gumagawa sila ng hakbang para magkaayos muli.

“They never stopped talking,” sabi pa ng source. “Other than the actual wedding weekend, when they took some space, they have been talking.”

At pagdating sa pagkakaroon ng anak, inamin ng source na nagbago na ang pananaw ni Cena.

“He has poured his heart out to her, and she was more than ready to take him back once she heard what she needed to hear,” dagdag pa ng source. “He’s been saying and doing all the right things.”

Sabi pa rito, ang paghihiwalay ng dalawa ay naging daan para lalong tumatag ang kanilang relasyon bilang magkasintahan.

“They’ve made it through something like this, so they feel now like really, their commitment is stronger than ever and they’re coming out the other side,” anito.

Samantala, sinabi ng source na kalaunan ay matutuloy na ang pagpapakasal ng dalawa at bubuo ng pamilya, ngunit hindi sila nagmamadali.

“She’ll move back in with him eventually, for sure. But there’s no rush. They know they’re going to spend the rest of their lives together,” sabi pa ng source. “This time next year they’ll be married, for sure. And then there will be a baby.”