CAPAS, Tarlac - Halos mahiwalay ang ulo ng isang 54-anyos na lalaki sa kanyang katawan nang pagtatagain siya ng jungle bolo sa leeg sa Sta. Lucia, Capas, Tarlac, nitong Linggo ng gabi.

Kaagad na namatay sa pinangyarihan ng krimen si Eddie Santos, ng Sitio Landing, Barangay Sta. Lucia, habang ang suspek naman ay si Frederick Peralta, 29, ng Sitio Oval, Purok 1 ng nasabing barangay sa Capas, Tarlac.

Batay sa police report, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa dahil sa isang personal na bagay na nauwi sa pananaga ng suspek.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong murder.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

-Leandro Alborote