BEIJING (AFP) – Inilunsad ng China kahapon ang relay satellite para magawa ng rover na makipagkomunikasyon sa Earth mula sa malayong bahagi ng Moon sa panahon ng unprecedented mission ngayong taon.

Inilarga sa kawalakan ang Queqiao (‘’Magpie Bridge’’) satellite mula sa timog kanluran ng Xichang launch centre sa madaling araw, ayon sa China National Space Administration.

‘’The launch is a key step for China to realise its goal of being the first country to send a probe to soft-land on and rove the far side of the Moon,’’ sinabi ni Zhang Lihua, manager ng relay satellite project, iniulat ng official Xinhua news agency.

Ang satellite ang magpapadala ng communications sa pagitan ng controllers sa Earth at sa dulong bahagi ng buwan, kung saan ipadadala ang Chang’e-4 lunar probe – ipinangalan sa moon goddess sa Chinese mythology – sa huling bahagi ng taong ito.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Kilala rin bilang ‘’dark side’’ ng Moon, ang malayong hemisphere ay hindi direktang masisilayan sa Earth at kahit na nakunan ito ng litrato, ang unang imahe ay noong 1959, hindi pa ito nagagalugad.

Ang Chang’e-4 rover ay ipapadala sa Aitken Basin sa lunar south pole region, ayon sa Xinhua.