GUIMBA, Nueva Ecija - Isang 13-anyos na babaeng may kapansanan sa paningin ang nahulog at nalunod sa ilog sa Barangay Partida II, Guimba, Nueva Ecija, nitong Martes ng umaga.

Kinilala ni Chief Insp. Gerald Licyayom, hepe ng Guimba Police, ang biktima na si May De Guzman, ng nasabing barangay, na wala nang buhay nang masagip sa ilog.

Nagtungo umano ang biktima sa ilog, kasama ang pamangkin na si Rian Andrea Opalit, 8, naligo sa ilog na ilang metro lamang ang layo sa bahay ng mga ito, bandang 9:00 ng umaga.

Nadulas umano ang bata sa gilid ng ilog at nahulog sa malalim na bahagi nito.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Tumanggi ang pamilya ni De Guzman na ipagpatuloy pa ang imbestigasyon sa kaso dahil isa umano itong aksidente.

-Light A. Nolasco