Ni Jeffrey G. Damicog

Sinabi kahapon ni Justice Secretary Menardo Guevarra na may napisil nang bagong assistant secretary ng Department of Justice (DoJ) ang Malacañang.

Ito ang kinumpirma ng kalihim makaraang ihayag ng Palasyo kahapon na pinagbibitiw ni Pangulong Duterte sa puwesto si Justice Assistant Secretary Moslemen Macarambon Sr. kaugnay ng mga alegasyong nakipagsabwatan umano ito sa pagpupuslit ng mga ginto at alahas sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

“My understanding is, the President appointed someone to replace DoJ Assec. Macarambong,” sabi ni Guevarra. “So that is effectively termination. No other acts needed.”

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Tumanggi naman si Guevarra na pangalanan ang papalit kay Macarambong.

Mariing itinanggi ni Macarambong ang nasabing akusasyon laban sa kanya.

“As far as I’m concerned I did not do anything wrong,” ani Macarambon, ipinaliwanag na hiniling lang niya sa Bureau of Customs (BoC) na i-compute uli ang mga buwis na babayaran ng kanyang mga in-laws kaugnay ng mga alahas na binili ng mga ito sa halagang P7 milyon.

Sinabi rin ni Macarambong na gusto niyang personal na ipaliwanag sa Pangulo ang kanyang panig.

“I just want to clear my name,” aniya. “Kasi yang pag-resign namin nasa kanya na ‘yun.”