Ni NITZ MIRALLES

NAG-CHECK OUT na sa St. Luke’s Medical Center Global si Gary Valenciano last Sunday, Mother’s Day.

gary copy

Bago lumabas ng hospital, nag-post muna ng video si Gary sa Instagram (IG) at ipinaalam na, “Finally going home.” Kuwento niya, nahihirapan pa rin siyang lumunok, but he is getting better at magpapagaling.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Nabanggit ni Angeli Valenciano na susunod na ang cardio rehab ni Gary para sa tuluy-tuloy na paggaling. Nabasa namin na four months magpapahinga si Gary and after four months, saka siya makakabalik sa pagkanta.

Maraming photos sa IG ni Angeli at may kuwento sa bawat litrato. Isa rito ang picture ni Gary at ng anak na si Gab habang nasa corridor ng hospital papunta sa 16th floor:

“To thank the nurses and doctors who took care of him... I could only praise God for his sweet surprises. Time to go home and renew his energy. And His timing is so wonderful-he is coming home on Mother’s Day! God is good.”

Nakakatuwa ang isang picture ni Gary habang nasa wheelchair, lumapit ang nurses at nag-request na magpa-picture sa kanya na pinagbigyan naman niya.