Ni Reggee Bonoan

HINDI na inabutang buhay ni Aga Muhlach ang amang si Cheng Muhlach na sumakabilang buhay na sa edad na 71 nitong Sabado ng madaling araw.

Galing si Aga sa shooting ng Island Girl in an Arctic World (working title), latest na pelikula niya, sa Nuuk, Greenland kasama ang leading lady na si Alice Dixson produced ng Viva Films.

Ito ang ipinadalang mensahe sa amin ng manager ni Aga na si Manay Ethel Ramos, na nanggaling naman kay Ms. Dolor Guevarra: “Cheng died between 3-5AM in his sleep this morning. Brought to St. Lukes Hospital yesterday had cardiac arrest. Wake will be at Heritage Park, Taguig City.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ayon kay Manay Ethel, wala pang makausap sa pamilya Muhlach habang tinitipa namin ang balitang ito.

Maging ang ina ni Charlene Gonzales-Muhlach na si Ms. Elvie Gonzales na biyenan ni Aga ay wala pang alam sa nangyari dahil hindi pa rin sila nagkakausap at nagkikita ng manugang niya.

Ang mga naulila ni Cheng ay ang mga anak na sina Aga, Arlene, Albert, Aaron, Almira, AJ at Andrew at kapatid nitong si Ms. Amalia Fuentes na kilala sa showbiz.

Mula sa Balita, ang taos puso po naming pakikiramay sa pamilya Muhlach.