WASHINGTON (AFP) – Patuloy na makikipagtulungan ang United States sa mga kaalyado para mapigilan ang Iran na makakuha ng nuclear weapons, sinabi ni Defense Secretary Jim Mattis nitong Miyerkules, isang araw matapos umurong si President Donald Trump sa kasunduan na ito mismo ang nilalayon.
“We will continue to work alongside our allies and partners to ensure that Iran can never acquire a nuclear weapon, and will work with others to address the range of Iran’s malign influence,” ani Mattis sa Senate panel.
Sinabi ni Mattis, retired four-star general na nasaksihan ang pagkamatay ng kanyang Marines sa kamay ng militia sa Iraq na suportado ng Tehran, na kahit na palaging pinananatili ng Pentagon ang military options, walang “default” sa digmaan at diplomasya pa rin ang pinakamainam na paraan