Ni Edwin Rollon
HINDI maikakaila na bahagi ng kultura ng bansa ang Indigenous People. Ngunit, magpahanggang sa kasalukuyan, hindi nila makamit ang tunay na pagkalinga mula sa sambayanan.
Sa layuning, mapalawak ang kaalaman at pang-unawa ng ‘Pinoy Millennial’ sa mga katutubong Pilipino, ilalarga ng JCI Manila ang “Run for the Mountains” – isang charity run event na naglalayong magbigay ng tulong at importansiya sa Indigenous Peoples Group, gayundin sa mga bata sa Smokey Mountain sa SM Iloilo at MOA ground sa Pasay City sa Hunyo 24.
Bukod sa tipikal na 3 km, 5 km at 10 km running events,matutunghayan din ng mga kalahok ang simpleng pamumuhay ng mga Aetas mula sa kanilang paghahanap ng pagkain, pagluluto, paglalaro at gawaing bahay.
“We’re calling all runners, students and kababayan to join in this fund-raising event with a mission to raise money that we can used to help the communities of our Indigenous People,” pahayag ni JCI Manila President Joaquin Esquivas.
“For decades JCI Manila is at the forefront of public services. Aside from espousing family values, camaraderie and diversity ‘Run for the Mountains’ effectively teaches respect and renewed appreciation for our culture while raising financial support for the marginalized community in Smokey Mountain and Indigenous Peoples.,” aniya.
Ang nasabing aktibidad ay isa sa mga pangunahing adbokasiya ng JCI Manila, isang non-government organization na nagbibigay suporta sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
Maaari nang magpalista sa iba’t ibang Garmin branches ng MOA, Glorietta, Uptown BGC, Megamall, at Apartment 8 stores ng UP Town Center, Alabang Town Center, Tiendesitas, at Scout Borromeo, Quezon City dagdag pa ang Affinitea Legarda at SM North.
Ang entry fee ay P 700 para sa 3 km event, P 800 naman sa 5 km event at P 950 para sa 10 km event.
Para sa karagdagang detalye, buksan ang www.facebook.com/runforthe mountains/.