KILALA si Ken Chan bilang isa sa mga pambatong aktor ng GMA-7 dahil sa kanyang pagiging versatile actor.

Sa pinakabagong primetime series na The Cure naman siya nagpapakitang-gilas bilang si Dr. Josh Lazaro. Malalim ang pinaghuhugutan ng karakter niya dahil kahit mas madali ang buhay sa siyudad ay mas gusto niyang tumulong sa mga nagkakasakit sa mga liblib na lugar.

Dream come true ang role na ito para kay Ken dahil matagal niyang pinangarap na gumawa ng action scenes. Isa lang ito sa mahabang listahan na gusto niyang gampanan. Kaabang-abang ang mga eksena niya na siya mismo ang gumagawa ng mga delikadong stunts
Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga