TARLAC CITY – Nagliyab ang isang kotse sa harap ng isang gasolinahan sa Macabulos Drive sa Barangay San Vicente, Tarlac, nitong Biyernes ng tanghali.

Sa imbestigasyon ni PO2 Gilbeys Sanchez, ang nasunog na Mazda vehicle (UBK-625) ay pag-aari ni Ruben Garcia, 45, ng Bgy. San Vicente, Tarlac City.

Napag-alaman na dakong tanghali nang iparada ni Garcia ang kanyang sasakyan sa tapat ng GC gasoline station para kumain sa katapat na kantina nang mapansin niya ang makapal na usok mula sa makina ng sasakyan.

Tuluyang nagliyab ang kotse, na kaagad na nirespondehan ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Tarlac City, na nagsabing nag-overheat ang makina ng sasakyan. (Leandro Alborote)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog