Ni Ellalyn De Vera-Ruiz

Mas maraming Pilipino ang tutol sa panukalang amyendahan ang 1987 Philippine Constitution, ayon sa Ulat ng Bayan survey na isinagawa ng Pulse Asia sa first quarter ng 2018.

Sa nationwide survey na isinagawa mula Marso 23 hanggang 28 sa 1,200 respondents, 64 porsiyento ng mga Pilipino ang hindi pabor sa pag-aamyenda ng 1987 Philippine Constitution.

Sa kabuuan, 32% ang mga nagsabing bukas sila sa Charter change (Cha-cha) sa hinaharap ngunit hindi sa kasalukuyan, at 32% ang nagsabing lubos ang pagtutol sa anumang pag-aamyenda, ngayon man o sa ibang panahon.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Ipinaliwanag ng Pulse Asia na ang suporta ng publiko sa Cha-cha sa kasakuluyan ay bumaba sa 14% mula Hulyo 2016 hanggang Marso 2018, habang mas lumakas ang mga tumutol sa +20 percentage points.

Bumaba rin ang antas ng suporta sa pag-aamyenda ng 1987 Philippine Constitution sa Metro Manila (-13 percentage points), iba pang bahagi ng Luzon (-15 percentage points), Mindanao (-23 percentage points), Class D o sa “masa” (-15 percentage points), at Class E (-11 percentage points).

Mas kapansin-pansin ang pagtutol sa Cha-cha sa survey period hindi lamang sa national level (+20 percentage points) kundi pati na rin sa Metro Manila (+17 percentage points), iba pang bahagi ng Luzon (+29 percentage points), Mindanao (+22 percentage points), at Class D (+24 percentage points).

Partikular na umaas ang percentage ng mga Pinoy na lubusang tumututol sa Cha-cha, tulad ng mga kontra sa Cha-cha ngayon at sa iba pang panahon, sa 17 percentage points, at ganito rin ang paggalaw sa Metro Manila (+17 percentage points), iba pang lugar sa Luzon (+27 percentage points), Mindanao (+14 percentage points), Class D (+19 percentage points), at Class E (+16 percentage points).