NANATILI sa kontensiyon sina Filipino International Masters Haridas Pascua at Oliver Dimakiling at National Master Merben Roque sa pagpapatuloy ng 45th Selangor Open Chess Tournament 2018 na ginaganap sa Grand Ballroom, 5th floor, Cititel Mid Valley Hotel sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Dahil sa tagumpay nitong seventh round Sabado ay naghatid kay Pascua sa 5.5 points para makisalo sa second hanggang 5th spots kasama sina Dimakiling, Roque at Malaysian Chan Kim Yew.

Ang Mangatarem, Pangasinan native at Baguio-based Pascua na may five wins, a draw at loss ay panalo sa kababayang si IM Emmanuel Senador ng Iloilo City.

Habang ang ipinangmamalaki ng Cebu na si Roque ay nakipaghatian ng puntos kay Chan Kim Yew kung saan ang former solo leader Davao bet Dimakiling ay nabigo naman kay IM Marcos Llaneza Vega ng Spain.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

May nalalabing dalawang laro kung saan nakopo ni Llaneza Vega ang solo lead na may 6.0 points.

Nanguna naman sina GM Buenaventura “Bong” Villamayor ng Mauban, Quezon province, IM Hamed Nouri ng Escalante City, Negros Occidental, National Master Efren Bagamasbad ng Quezon City, Ian Cris Udani ng Bacolod City, Negros Occidental at Hongkong-based Edgardo Borigas sa group ng five pointers, at makisalo sa 6th hanggang 16th place.