LOS ANGELES (Reuters) – Kumita ang Avengers: Infinity War ng $39 million nitong Huwebes ng gabi sa U.S. at Canadian box offices, ang pinakamalaking opening para sa Marvel Studios film at ang ikaapat na pinakamataas sa kasaysayan, pahayag ng Walt Disney Co.

Marvel heroes copy

Ngayong Linggo, inaasahan na masasabayan ng pelikula, at mauungusan ang weekend record na itinala ng Star Wars: The Force Awakens noong 2015, ayon sa box office analysts. Tumabo ang Force Awakens ng $248 million sa initial weekend ng pagpapalabas nito.

Tampok sa Infinity War ang mahigit 20 superheroes mula sa lumalaking cinematic universe ng Marvel, kabilang ang Iron Man, Spider-Man, Black Panther at Guardians of the Galaxy.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pinalakpakan ng mga kritiko ang pelikula sa naambisyong pagkakagawa nito, saklaw, at kahusayan ng pagkakagawa at para sa makalaglag pangang ending na mukhang sinadya para ma-hook ang mga manonood sa pag-aabang sa installment ng pelikula sa susunod na taon.

Ipinalabas ang Infinity War nitong Miyerkules sa ilang bansa, at tumabo na ito ng $95 million sa unang dalawang araw pa lamang, ayon sa Disney.