Ni Fer Taboy

Sumuko sa pamahalaan ang 19 na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Paracelis, Mountain Province, nitong Huwebes ng hapon.

Isinuko rin ang kani-kanilang armas, sumurender ang mga rebelde sa militar sa Sitio Marat, Barangay Poblacion sa Paracelis, sa tulong ng mga opisyal ng barangay, ayon kay Lt. Col. Narciso Nabulneg, Jr., commanding officer ng 54th Infantry Battalion (IB).

Matagal na umanong nag-o-operate sa ilang bayan sa lalawigan ang mga nasabing rebelde ngunit ipinasya na lamang magbalik-loob sa pamahalaan upang magbagong-buhay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20