PINATUNAYAN ni Luisito “Louie” Sangalang na walang imposibleng sa pusong palaban.
Sa kabila ng pinagdaaang pagsubok bunsod ng sakit na cancer, nanindigan ang tanging Pinoy na kumatawan sa bansa -- FWD Life Philippines -- para makumpleto ang makasaysayang 42-kilometro FWD North Pole Marathon kamakailan.
Hindi alintana ang malamig na temperature na umabot sa minus 32 degrees, gayundin ang paahon at palusong na ruta, natapos ni Sangalang ang karera sa tyempong 11 oras at apat na minuto.
Ang FWD North Pole Marathon ay isinasagawa ng Pan-Asian insurance company na matagumpay na kumpanya sa walong bansa sa Asya. Layunin ng programa na mawaglit sa kaisipan ng bawat isa ang maling akala sa insurance. Naninindigan ang kumpanya na nararapat na mamuhay ng masaya at gawin ang mga bagay na hindi ordinaryong nagagawa.
Isang kilalang multi-sport athlete, healthy lifestyle at nutrition advocate si Sangalang at isang cancer survivo. Kasama sina sa 10 FWD-sponsored runners mula sa Hong Kong, Indonesia, Singapore, Vietnam, at Japan sa ilalim ng koponang #FWDTeamAsia.