BANDA ACEH, Indonesia (Reuters) - Tinatayang ‘di bababa sa 10 katao ang nasawi habang habang 40 ang nasugatan nang lumiyab ang isang ilegal na oil well sa Indonesia, nitong Miyerkules.

“We are still collecting data on the number of victims because the fire has not been extinguished yet,” pahayag ng ahensiya.

Dagdag pa ng ahensiya, sumiklab ang sunog sa silangang distrito ng Aceh matapos umapaw ang 250 metrong lalim na balon habang kinokolekta ng mga residente ang langis dito.

Ayon sa pulisya, ilegal na hinukay ang balon at maaaring may naninigarilyo sa lugar na pinagmulan ng sunog.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“We suspect this is a well drilled by the community...and we suspect there was someone smoking in the area at the time,” sabi ni police official Wahyu Kuncoro.