Ni Beth Camia

Hindi bababa sa 2,000 katao ang nabiktima ng website attack ng grupong Pinoy Lulzsec, noong April Fools’ Day.

Ayon sa National Privacy Commission (NPC), naapektuhan ng data breach ang mga pangalan, address, phone number, email address, ilang password at detalye ng nasabing bilang ng mga taon.

Ipinatatawag naman ng NPC ang pamunuan at mga opisyal ng pitong paaralan, institusyon, at lokal na pamahalaan na nabiktima ng data breach.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Gayundin, hinihingian ng paliwanag ng komisyon ang mga biktima hinggil sa hindi nila pag-abiso sa NPC, sa loob ng 72 araw, simula nang mangyari ang insidente nitong Abril 1.

Pinadalhan na ng summon ang Taguig City University, Department of Education (DepEd) sa Bacoor City at Calamba City, ang pamahalaang panglalawigan ng Bulacan, Philippine Carabao Center, Republic Central Colleges sa Angeles City, at Laguna State Polytechnic University.

Dahil sa website attack, naisapubliko ang personal data ng nasa 2,000 katao pamamagitan ng link na ipinost sa Facebook, ayon sa NPC.