Ni Marivic Awitan
PINALASAP ng Mapua University ang ikalawang sunod na kabiguan para sa pre-season favorite University of the Philippines, 79-78, kahapon sa 2018 Filoil Flying V Preseason Cup sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.
Bukod sa pagtulong na maitayo ang 75-67 na bentahe, nagsanib puwersa rin sina Eric Jabel at Justin Serrano upang mapigil ang Fighting Maroons sa tangkang pagsingit sa final stretch.
Nagtala si Exe Biteng ng 19-puntos upang pangunahan ang Mapua kasunod si Jabel na may 13-puntos, walo dito ay isinalansan niya sa fourth period.
“It’s the effort,” ani coach Atoy Co. “We have less big men and more small players and that’s what we’re trying to do, to play fast and run. But what’s important for me is we play defense.”
Nauwi naman sa wala ang game high 30-puntos ni Bright Akhuetie gayundin ang 18 nitong rebounds dahil di nito naisalba ang Maroons sa ikalawang sunod na kabiguan kasunod ng 79-82 pagkabigo sa La Salle nitong Sabado ng hapon sa opening day.
Kasamang nagwagi ng Green Archers ang reigning UAAP champion Ateneo noong opening d as y kontra Gilas Pilipinas cadets, 76-69, sa pamumuno ni Thirdy Ravena na umiskor ng 16- puntos.