Ni Leonel M. Abasola

Umaasa si Senador Bam Aquino na magiging maayos at tatanggapin ng publiko ang paliwanag na gagawin ng mga telecommunications company tungkol sa mga ginagawa nitong solusyon, sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado sa isyu ng “nakaw load”.

“We identified specific solutions during the first hearing so that prepaid consumers no longer encounter dubious load deductions,” sabi ni Aquino. “Mahigit isang buwan na mula noon kaya inaasahan nating naipatupad na ang mga solusyong ito.”

Sa unang pagdinig ng komite noong Marso 5, iginiit ni Aquino na dapat na maging malinaw ang telecommunication company sa mga hakbangin ng mga ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa subscribers kung may nadagdag o nabawas na load sa kanilang account.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter