NAPASIGAW sa labis na kasiyahan si Veruel Verdadero nang sandigan ang CALABARZON sa gintong medalya sa 4x400m secondary, habang malinis na nalagpasan ni Emman Reyes (kanan) ng NCR ang pole vault sa secondary class ng Palarong Pambansa kahapon sa Elpidio Quirino Stadium sa Bantay, Ilocos Sur. (RIO DELUVIO)

NAPASIGAW sa labis na kasiyahan si Veruel Verdadero nang sandigan ang CALABARZON sa gintong medalya sa 4x400m secondary, habang malinis na nalagpasan ni Emman Reyes (kanan) ng NCR ang pole vault sa secondary class ng Palarong Pambansa kahapon sa Elpidio Quirino Stadium sa Bantay, Ilocos Sur. (RIO DELUVIO)

Miyembro ng National Team na alang binatbat sa Palaro, palitan -- Fernandez

Ni EDWIN ROLLON

POSIBLENG gamitin ng Philippine Sports Commission (PSC) ang resulta ng kasalukuyang Palarong Pambansa, gayundin ang nakatakdang Philippine National Games at National Open upang balasahin ang kasalukuyang talaan ng National Team.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ikinalugod ni PSC Commissioner Ramon ‘El Presidente’ Fernandez ang mataas na level ng performance ng ilang atleta sa Palaro na ginaganap sa Vigan, Ilocos Norte, ngunit dismayado naman sa kampanya ng ilang atleta na kabilang na sa national at training pool.

“It’s very evident after these Palaro championships. That the effort of grass roots coaches, high school athletes have exceeded the output of national athletes,” sambit ni Fernandez.

“In respect to this there should be a major reshuffle of the national team after the Palaro, PNG and National Open. And national coaches. With any national coaches whose ‘government supported athletes’ were overtaken by highschoolers (we do not have the luxury of govt funding) shown the door.

“National coaches who are failing to improve athletes should be held accountable and not be allowed to continually parasite off the effort and toil the grass root coaches,” pahayag ni Fernandez.

Sa kabila ng katotohanan na ang pagpili ng mga miyembro ng national training pool ay nasa pangangasiwa ng kani-kanilang sports association, iginiit ni Fernandez na bilang tagapangasiwa ng pondo na nagmula sa buwis ng bawat Pilipino, may karapatan at responsibilidad ang PSC na siguraduhing kapaki-pakinabang ang mga nakatatanggap ng pondo at hindi nababalewa ang kaban ng bayan.

Sa layuning mapangalagaan ang mga atletang Pinoy, nilagdaan ng PSC Board kamakailan ang bagong ‘allowance scheme’ kung saan ang mga atleta na kabilang sa ‘platinum’ o yaong nakamedalya sa Olympics at World Championships at tatanggap ng maximum P45,000 kada buwan.

Ang mga Class A athletes -- World Cup at World Championship silver at bronze medalist, Asian Games gold medalist, chess Grandmasters, at Olympian ay tatanggap ng P40,000.

Pinagkaloban naman ng P30,000 ang Class B athletes -- Asian Games silver at bronze medalists, Asian Cup at Asian Championships medalists, at Southeast Asian Games gold medalist.

Nasa Class C naman ang SEA Games, SEA Cup at SEA Championships silver at bronze medalist na may P20,000 kada buwan.

Nasa training pool A naman ang mga sumabak sa Invitational at open medallists na may P10,000, habang mga mga nasa trining pool B ang, dating medalists, at nagbabalik aksiyon medalistsm at may P6,000 bilang training pool B.

“Yung mga deserving athletes, yun ang iangat natin, yung hindi naman at lalo na yung walang development ang performances, alisin na natin sa National Team,” samba ni Fernandez.