PARA kay Jennylyn Mercado ay malaking hamon ang pagiging single mom sa kanyang anak na si Jazz, anak niya kay Patrick Garcia.

“Mahirap ang trabaho ng isang artistang katulad ko dahil kumakain ito ng oras na dapat ay naiuukol ko sa anak ko. Mahalaga para sa akin ang magkaroon ng bonding with Jazz kahit pagod ako sa magdamagang taping, kaya naglalaan ako ng quality time para sa kanya. Ang maging artista ay isang bagay na hindi ko itinatanim sa isipan ni Jazz at natutuwa ako dahil mukhang wala siyang hilig umarte. Masyado siyang tahimik at mahiyain,” pagtatapat ni Jen.

Samantala, kaligayahan para kay Jennylyn ang mga papuri at parangal na tinatanggap niya bilang aktres. Itinuturing niya itong bonus. Masaya siya kapag nagagampanan ng tama ang kanyang roles na ibinibigay sa kanya. –-Remy Umerez
Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?