Mac SantosVIRAL ang isang lalaki na nakaiskor ng 98 puntos sa isang basketball game sa recreational league na Next5Hoops.

Si Mac Santos ang tinanghal na Best Player of the Game nang makapagbuslo ng 28 beses na 3-pointers, na kanilang ipinanalo sa score na 136 to 71.

Bagamat mahirap ihambing si Santos sa professional players, sadyang nakakabilib ang kanyang nagawa at abilidad. Ang naitalang record ng pinakamaraming 3-pointers sa isang NBA game ay 13 beses.

Sa kasaysayan, naka-17 three-point baskets si Allan Caidic sa isang PBA game noong 1991.

'Sarap sa pakiramdam!' Kiray mahal na mahal, never niloko ng jowa

Hinahangaan naman ng netizens ang kahusayan ni Santos at sinabing malupit pa siya kina Caidic at Stephen Curry. Tinagurian din siyang “half-man, half-machine”. Ang iba nama’y sumaludo sa kanya.

Ngunit kapag may ganitong nagtatagumpay, hindi talaga mawawala ang bashers. May ilan ding nang-asar sa kay Mac. May mga talangkang netizens na nagsabing baka isang buong game lang umano siya humawak ng bola, at sana raw ay hindi na niya ipinasa ang bola para 100 puntos ang kanyang score.

Nakatira sa Las Piñas City si Santos na isang barangay captain. Dati rin siyang varsity player noong nag-aaral pa ng kolehiyo.