ISA lamang ang misyon ni Grandmaster Darwin Laylo na maisama sa listahan ng kanyang mga tinalo si 13-times Philippine Open champion Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr. sa muling pagpapatuloy ng Philippine Chess Blitz Online Face Off Series sa Linggo.

Magsisimula ang laban ganap na 10:00 ng umaga na mapapanood ng live sa Youtube channel ng National Chess Federation of the Philippines.

Suportado ng NCFP ang Face Off na tinampukang “The Fight for the Ages” ay inaasahang magiging kapana-panabik na laban na mag e enjoy ang mga Philippine chess aficionados, ayon kay tournament organizer at Philippine Executive Champion Atty. Cliburn Anthony A. Orbe.

“Bibigyan ko siya ng magandang laban,” giit ng back-to-back Philippine Open champion na si Laylo, top player ng star-studded Philippine Army Chess Team at bahagi ng coaching staff ng Ateneo de Manila University (ADMU) chess team.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Gagawin ko ang best ko,” sabi ni Antonio na Vice Champion sa 27th World Senior Chess Championship 2017 (50+ and 65+ Open-men and women) na ginanap sa Acqui Terme, Italy nitong Nobyembre.

Sa huling pagtatagpo nina Laylo at Antonio ay nauwi sa tabla ang laban nila sa The Search of the Next Wesley So.

Simula ng idaos ang Face Off series ay hindi pa natatalo si Laylo kung saan nanaig siya kontra kina country’s first Woman Grandmaster (WGM) Janelle Mae Frayna at Fide Master (FM) Narquingden “Arden “Reyes.

Habang nakalasap naman ng pagkabigo si Antonio kay Fide Master (FM) David Elorta sa una nilang pagtatagpo pero sa kalaunan ay nakabawi ang una sa huli. Tinatayang magiging eksplosibo ang laban ayon na din kay National Master Romeo Alcodia na lubos ang paghanga sa dalawang pambato ng bansa kung saan posibleng iikot ang laro sa Petroff defense, Caro-kann defense, Sicilian-kann at Sicilian Alapin