Ni Leonel M. Abasola

Iginiit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na dapat naayon sa batas ang paggamit ng mga lupa sa isla ng Boracay.

“Whether it is urban or rural, upland or coastal, the rule we follow in land use is suitability, the optimal utilization that will yield the most income, the most jobs, the greatest economic value per square meter with the least social and environmental cost,” ani Recto.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ito ang reaksiyon ni Recto sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na gagawing lupang sakahan ang buong isla ng Boracay. Aniya, may mga lugar na laan sa turismo at mayroon namang mainam para sa pagsasaka, batay sa kanilang klasipikasyon.

“This appropriateness rule should also apply in Boracay. One can either gather tuba or nuts for copra in a one hectare of beachfront coconut land and earn P100,000 a year—which would hardly allow a family to scrape by—or build on that land an environmentally-compliant resort that can employ hundreds, and raise millions in taxes for the government’s social programs,” ani Recto.