MATAGUMPAY na binuksan kahapon ang chess tournament na naglalayong makatuklas ng bagong talento sa grassroots level sa Quezon City.

May kabuuang 10 kabataan na ang edad ay 14 anyos pababa (kiddies division) at 16 na manlalaro na ang edad ay 15 anyos pataas (adult division) ang lumahok sa tinampukang Kap. Tessa Atentar chess cup na isinagawa kaaalinsabay ng pagdaraos ng Araw ng Kagitingan sa Arayat Street, corner Cristobal Street sa Barangay Kaunlaran, Cubao, Quezon City.

Mismong si sportsman Roldan Atentar ang nanguna sa pagbubukas ng torneo kasama sina tournament director Kuya Mamo Montarde, Genghis Katipunan Imperial at National Master Romeo Alcodia na nagsilbing mga arbiters sa event na nilahukan ng mga paboritong manlalaro ng Barangay Kaunlaran at miyembro ng Arayat chess club na kinabibilangan nina Randy Quiniones, Richard Catindoy, Jonathan “Jojo” Soriano, Kiev Calungsod, Reynaldo “Eric” Acosta at Jerome Alcodia.

Bukod sa libreng chess tournament kahapon na ang magwawagi sa bawat dibisyon ay mag-uuwi ng cash prizes, trophies at medals, plano rin sundan ang pagsasagawa ng libreng chess clinic sa mga paaralan sa Barangay Kaunlaran ayon kay sportsman Roldan Atentar.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

Layunin din ng chess tournament na ang mga kabataan ay makaiwas sa masasamang bisyo at pagkaka camaraderie ng mga manlalaro ng chess sa nasabing lugar