Ni Bert De Guzman

Suportado ni Speaker Pantaleon Alvarez ang hangarin ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin ang National Food Authority Council upang matugunan ang paulit-ulit na problema sa kakulangan ng suplay ng bigas, partikular ang murang bigas na ipinagbibili ng NFA.

“Personally, I think we don’t need such as council. We already have an NFA Administrator. Now, if he would only do his job I don’t think we would have any problem (on rice supply),” ani Alvarez.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Kumporme rin siya sa opsiyon na baguhin na lang ang NFA council. Dahil dito, kailangan ang congressional investigation upang matukoy ang mga babaguhin sa batas na lumikha sa NFA Council.

“We might have to look into this matter because if the Council was created by law we need to amend it,” ayon sa Speaker.