Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Tila hindi pa tapos si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbalasa sa kanyang Gabinete sa pagpahayag ng Malacañang na may isa pang opisyal na sisibakin.

Nagpahiwatig si Presidential Spokesperson Harry Roque sa napipintong hakbang ng Pangulo sa panayam sa telebisyon kahapon. Gayunman, sinabi ni Roque na sinabihan siya na huwag munang ilabas ang impormasyon sa ngayon.

“There is another one. But, let’s wait for the next week please. Too much information,” ani Roque sa panayam ng CNN Philippines.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Unfortunately, I work for a principal— the President, and I can’t announce unless he tells me to do so. The President mentioned, ‘Maybe we’ll announce it next week,’” dugtong niya.

“It’s a line agency. A department, it’s a department. I might be next in the chopping block. So, I’ll leave you at that,” patuloy niya.

Nitong Huwebes lamang, sinabi ni Duterte na tinanggap niya ang pagbibitiw ni Vitaliano Aguirre II bilang Secretary ng Department of Justice (DoJ) at kaagad na nilagdaan ang ad interim appointment ni Senior Deputy Executive Secretary undersecretary Menardo Guevarra sa puwesto.

Bago ang Semana Santa, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi na siya nasisiyahan sa performance ng ilang miyembro ng kanyang gabinete. Kahit hindi siya nagbigay ng mga detalye, sinabi pa ng Pangulo sa isang okasyon na mayroon siyang sisibakin sa pagbabalik niya sa Maynila matapos ang Lenten break.

Umingay ang usap-usapan ng Cabinet revamp matapos magpahayag si Duterte na dismayado siya sa desisyon ng DoJ na ibasura ang mga kaso laban sa high-profile drug suspects na sina Kerwin Espinosa at Peter Lim, at iba pa.

Nauna rito ay kinumpirma ni Roque na hindi natutuwa si Duterte sa performance ng ilang miyembro ng kanyang Gabinete.

“Talagang sabi niya na merong mga secretary na hindi siya happy sa performance at magkakaroon nga daw po ng mga pagbabago sa Gabinete,” ani Roque sa panayam sa telebisyon.

Sa loob ng dalawang taon sa puwesto, nagkaroon na ng maraming pagbabago sa Duterte’s Cabinet, kabilang ang