Ni Mary Ann Santiago

Sa selda ang bagsak ng isang kawatan na tumangay ng hair blower sa isang salon sa Marikina City, nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Jessie Dionisio, nasa hustong gulang, ng Barangay Tumana ng nasabing lungsod at nakatakdang sampahan ng kasong theft matapos ireklamo ni Loran Esteban.

Sa ulat ng Marikina City Police, pumasok ang suspek sa loob ng Lois Salon, na matatagpuan sa Farmers 1, kanto ng Patola Street, sa Bgy. Tumana, bandang 9:30 ng umaga.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kinuha umano ng suspek ang hair blower, na nagkakahalaga ng P2,500, bago tumakas sa hindi batid na direksiyon.

Napansin ni Esteban ang pagtangay ni Dionisio sa blower, kaya agad siyang nagsumbong sa mga tauhan ng Barangay Security Force (BSF) ng Bgy. Tumana, at tuluyang naaresto ang suspek at nabawi ang blower.