Ni Leandro Alborote

TARLAC CITY - Inihayag kahapon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na makararanas ng 10-oras na brownout sa ilang lugar sa Aurora at Nueva Ecija sa Abril 19.

Apektado ng power outage ang mga bayan ng Talavera, Bongabon, Natividad at Gabaldon sa Nueva Ecija.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Mawawalan din ng supply ng kuryente sa Dingalan, San Luis, Maria Aurora, Baler, Dipaculao at ilang bahagi ng Casiguran sa Aurora, mula 6:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Idinahilan ni North Luzon Operation & Maintenance District V chief, Alvin Estanislao ng NGCP, ang pagkukumpuni sa Cabanatuan substation sa line segment ng Cabanatuan- San Luis 69KV Line.