Ni REMY UMEREZ

HALOS every week ay may pumapanaw na alagad ng sining tulad nina Maryo J. delos Reyes, Bernardo Bernardo, at Gina Mely Tagasa. Nitong Semana Santa ay muling nagluksa ang showbiz sa pagyao ng ama ni Martin Nievera na si Bert Nievera sa edad 81.

Noong mid-60s na bawat foreign singer ay may male local counterpart, si Bert ang tinanghal na Johnny Mathis of the Philippines. Siya ang nagwagi sa isang Search for the Johnny Mathis of the Philippines conducted by the noontime show na Student Canteen.

Kalaunan ay naging miyembro si Bert ng grupong Society of Seven at regular na nag-perform sa Outrigger Waikiki Hotel sa Hawaii where the group was based.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sa post ni Martin ay isiniwalat niya: “I plan to make my father’s spirit shine sa bawat kantang aking aawitin. I will always remember him as a man of few words at utang ko sa kanya ang narating ko ngayon bilang isang entertainer. You gave me life. You gave me dreams.”

Nakapanghihinayang at hindi man lamang nakapag-dueto sa recording ang mag-amang Bert at Martin.