Ni Nonoy E. Lacson

ZAMBOANGA CITY - Binaril at napatay ang isang opisyal ng pulisya nang tambangan ng hindi nakilalang lalaki habang nagdya-jogging sa Barangay Aguada sa Isabela City, Basilan kahapon.

Dead on the spot si Senior Insp. Aristeodes Nas Marinda, ng Quiapo sa Maynila, at miyembro ng Task Force Basilan at deputy Police Community Relations Office ng Basilan Police Provincial Office, sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo.

Nagdya-jogging ang biktima sa Rizal Avenue, dakong 5:35 ng madaling-araw nang lapitan ito ng suspek na armado ng baril.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa record ng pulisya, kabilang si Marinda sa tinatawag na 143 na “misfits” na pulis sa Metro Manila at itinapon sa Basilan bilang bahagi ng paglilinis ng Philippine National Police (PNP) sa hanay nito.