Ni Leandro Alborote

CAMP MACABULOS, Tarlac City – Hinihinalang sumalakay na naman ang mga miyembro ng “Salisi Gang” at nabiktima ang isang mag-asawa sa isang shopping mall sa Tarlac City, nitong Sabado ng gabi.

Sa imbestigasyon, kinilala ni SPO1 Eduardo Hipolito ang mag-asawang biktima na sina Carmelita De Leon, 73, negosyante; at Dionisio De Leon, 76, ng Sitio Proper, Barangay San Rafael, Tarlac City.

Nangyari ang insidente sa isang mall sa Bgy. San Rafael, Tarlac City, dakong 8:00 ng gabi.

Sa pahayag ng mga biktima, nagtungo sila sa nasabing establisimyento upang kumain, kasama ang kanilang apo.

Probinsya

₱7.1M halaga ng umano'y shabu, nasamsam sa Davao City

Habang kumakain, tinabihan sila ng mga suspek at tinangay ang bag ng mag-asawa, na naglalaman ng dalawang mamahaling cell phone (P30,000) at iba’t ibang klase ng gamot.

Hinila naman ng pulisya, posibleng matagal nang nag-o-operate ang nasabing grupo at pinupuntirya ang matataong lugar upang makapambiktima.