Ni LITO T. MAÑAGO

HINDI maikakailang isa ang DerBie love team nina Derrick Monasterio at Barbie Forteza sa successful on-screen tandem sa GMA Network.

BARBIE AT DERRICK copy

Nagsimula ang tambalan nila sa pelikulang The Road ng GMA Films na nasundan ng mga proyekto sa telebisyon tulad ng Luna Blanca (2012), Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa (2012) at Anna Karenina (2013) na pawang top-rating.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sumang-ayon si Barbie sa obserbasyon ng press kung bakit sa rami ng proyektong pinagtambalan nila ni Derrick ay hindi ito nauwi sa totohanan.

“Maraming chances, actually. May mga times na lumabas kami,” sabi ng isa sa prized talents ng Kapuso Network. “Oo, nagluto kami ng lasagna sa bahay nila with my parents. May mga ganu’n kaming moment. Kaya lang kasi na-realize ko na mas tumatagal ‘yung aming friendship na ganito kami.

“Parang ang dami nang nangyari sa buhay ko, andiyan pa rin talaga si Derrick. Ang dami nang dumaan, andiyan pa rin siya. Feeling ko, good decision na naging almost a love story na lang kami,” pagtatapat ni Barbie sa grand mediacon ng Almost A Love Story ni Direk Louie Ignacio na ipalalabas na sa April 11.

Paliwanag pa ng girlfriend ni Jak Roberto, “Nu’ng una, masyado lang bata, sa Luna Blanca, ilang taon pa lang ako nu’n, ilang taon din siya nu’n, so nu’ng time na lumabas kami para lang kaming naglalaro. Hangang sa nagkasama kami ulit sa Anna Karenina. Mas naging close kami roon hanggang sa nagkayayaan kaming lumabas kaya lang na-realize namin na masyadong pareho ‘yung personality namin.

“Para kasing, di ba, opposites attract? Kaya lang dumarating kasi ‘yung time na nagka-clash kami kasi pareho kami ng gusto. So walang nagbibigay, alam mo ‘yun, walang naggi-give way. May mga time na nagkakapikunan kami, so parang na-realize namin na kung ile-level up pa namin ‘yung samahan namin, hindi rin magtatagal ‘tapos mag-iiwasan kami.

So mas pangit, di ba? So mas okay na friends na lang kami,” sey pa ng award-winning actress.

Bukod sa pelikulang ginawa nila sa Italy, ipalalabas na rin sa susunod na buwan ang Inday Will Always Love You na prodyus ng GMA Public Affairs.

Mula sa direksiyon ni Monti Parungao ang bubuksang serye na kabituin din ng dalawa sina Gladys Reyes, Juancho Trivino, Kim Rodriguez at marami pang iba.