Ni Orly L. Barcala

Naniniwala ang pamilya ng isang binata na nagawa nitong magpakamatay dahil umano sa iniindang insomnia, sa kanilang bahay sa Malabon City, nitong Linggo ng umaga.

Mismong ang amang si Primo Manuguid, 62, ang nakadiskubre sa nakabiting katawan ng anak niyang si Glenn Manuguid, 33, sa kisame sa loob ng kanilang bahay sa Sitio 6, Barangay Catmon, pasado 8:30 ng umaga.

Sa pahayag sa pulisya ng ama ng biktima, umalis siya sandali sa bahay at iniwang mag-isa ang anak, subalit pagbalik niya makalipas ang kalahating oras ay natagpuan na niya itong nakabigti.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon kay Mang Primo, may sakit na insomnia—o hindi napagkakatulog—ang anak na marahil ay dahilan ng pagpapatiwakal nito.