Ni Beth Camia
Ipinag-utos ng Korte Suprema ang half-day work schedule sa lahat ng korte sa buong bansa sa Marso 28, Miyerkules Santo.
Ayon kay Acting Chief Justice Antonio Carpio, ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga manggagawa na makabiyahe pauwi sa mga lalawigan para sa Semana Santa.
Sakop ng kautusan ang Supreme Court, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals at lahat ng lower courts sa buong bansa.
Para sa mga korte sa mga lungsod at munisipalidad na magkakaroon ng whole-day suspension ang mga lokal na pamahalaan, pinayuhan silang sundin ang LGU declaration.