Ni Mina Navarro

Maraming Pilipino ang maaapektuhan ng anim na buwang hindi pagbibigay ng visa ng Oman sa dayuhang skilled workers.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ipinahayag ng Oman Ministry of Manpower na nais nilang bigyan ng prayoridad ang kanilang mga mamamayan.

Sinabi ng Department of Labor and Employment (DoLE), na ang desisyon ng Oman ay halos “magkasabay” sa pagsisikap ng gobyerno ng Pilipinas na bawasan ang bilang ng mga manggagawang Pinoy na ipinadadala sa Oman.

Tiniyak naman ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na mayroong oportunidad ang mga Pinoy na makahanap ng trabaho sa iba pang mga bansa, tulad sa Japan na nangangailangan ng mga magsasaka, welder, painter, machine operator at household worker.

Tinatayang mahigit 43,000 Pilipino ang nagtatrabaho sa Oman.