Ni REGGEE BONOAN

SA wakas muli nang napapanood sa TV si Jessy Mendiola dahil kasali na siya sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang doktora na tutulong para gamutin ang mga sugatang miyembro ng Vendetta na kinabibilangan ng mga rebelde ng Pulang Araw na nagapi ng grupo nina Hipolito o Buwitre (John Arcilla) at Alakdan (Jhong Hilario).

JESSY copy

Huling napanood si Jessy sa Maalaala Mo Kaya noong 2016 at 2017 naman ang huling pelikula niyang Extra Service kasama sina Coleen Garcia at Arci Muñoz sa Skylight Films at marami ang nagtataka kung bakit binuburo siya ng ABS-CBN gayong marunong naman siyang umarte.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Tiyak na natutuwa ang supporters ni Jessy ngayong may regular show na siya, at siyempre tiyak na happy rin si Luis Manzano dahil may project na ang girlfriend.

Marami ang humuhula na siya ang susunod na magiging love interest ni Cardo (Coco Martin) na hiniwalayan nang tuluyan ni Alyanna (Yassi Pressman).

Anyway, palaisipan sa televiewers kung may twist na ihahatid ng karakter nina Dawn Zulueta, Alice Dixson, Rowell Santiago, at Edu Manzano na gumaganap bilang maimpluwensyang pamilya at nakatakdang maging katunggali ni Cardo (Coco Martin).

Sa napapanood na takbo ng kuwento, init na init sina Hipolito at Alakdan para pulbusin ang Vendetta, at puruhan pa ang pinuno nitong si Romulo (Lito Lapid).

Pero nagulat ang dalawa dahil buhay pa pala si Romulo na inoperahan at ligtas na sa kamatayan, kaya hindi mapakali ang mga kalaban dahil baka kumanta ito oras na magising.

No. 1 pa rin sa lahat ng mga programa sa TV ang FPJ’s Ang Probinsyano dahil sa hindi nauubos na mga sorpresa nito sa mga manonood.